ACNSTHS SaMaFil
Ang opisyal na Samahan ng mga Mag-aaral sa Filipino (SaMaFil) ng ACNSTHS

Maligayang pagdating sa opisyal na pook-sapot ng
Samahan ng mga Mag-aaral sa Filipino (SaMaFil)!

Ano ang SaMaFil?Ito ay isang akademikong organisasyong ng Antipolo City National Science and Technology High School na gumagabay sa pagpapayaman sa kasanayan at karunungan ng mga batang siyentipiko sa wikang Filipino — nag-aalok ng pinakabagong pangyayari tungkol sa samahang ito, gayundin ang mga materyales sa pagkatuto: Mga Pananaliksik sa Filipino, Reviewers sa Filipino, Talaan ng mga Kaganapan, at iba pa.

Core ValuesSibol, Yabong, Abante

MISYONAng sentrong hangarin ng Samahan ng mga Mag-aaral sa Filipino (SaMaFil) ay ang pandayin ang kasanayan at higit pang paunlarin ang interes ng mga mag-aaral sa Antipolo City National Science and Technology High School sa asignaturang Filipino. Maliban dito, hangad ng aming samahan na mapaunawa sa mga mag-aaral ang pagbibigay-pagpapahalaga sa mga natatanging yaman ng ating bansa sa kabila ng mabilis na pagbabagong nagaganap sa ating lipunan. Panghuli, hangad ng SaMaFil na maging instrumento upang magamit ang ating sariling kultura para sa inobasyon at pag-unlad ng ating lupang sinilangan.

BISYONBilang isang akademikong organisasyon, natatanaw ng Samahan ng mga Mag-aaral sa Filipino (SaMaFil) na ito ang magiging pinakamasugid na lupon sa pagtaguyod ng Filipino sa kanilang paaralan. Natatanaw rin ng samahan na ito ang pagiging isang aktibong organisasyong kawiwilihan ng mga mag-aaral na salihan, dahil sa mga potensyal na maaari nitong maidulot sa kanilang pagkatuto bilang mga batang siyentipiko ng Antipolo City National Science and Technology High School. Panghuli, natatanaw ng samahan na ito na magiging mas malawak ang saklaw nito. Nakikita ng samahan na hindi lamang ito magiging aktibo pagdating sa larangan ng pagpapalaganap ng wikang Filipino, kundi sa integrasyon nito upang makibaka sa pagtulong sa komunidad sa labas ng institusyon nitong kinabibilangan.

ACNSTHS SAMAHAN NG MGA MAG-AARAL SA FILIPINO

Est. 2024 ACNSTHS SaMaFil
AnSci SaMaFil | [email protected]

ACNSTHS Samahan ng mga
Mag-aaral sa Filipino

Tangan ang liwanag na ipinagkatiwala ng aming paaralan, minimithi ng Samahan ng mga Mag-aaral sa Filipino na maging isang puwersa ng karunungang gagabay sa kaunlaran at kayabungan ng kasanayan at kaalaman ng mga batang siyentipiko sa wika at kulturang Filipino. Kasangga ang bawat Pilipinong mag-aaral at kasapi ng organisasyong ito, layunin ng samahang maging kinatawang mamumuno sa pagsibol, pagyabong, at pag-abante ng kabataang Pilipino.

MGA OPISYALES AT GURONG TAGAPAYO

MGA KUMITE

ACNSTHS SAMAHAN NG MGA MAG-AARAL SA FILIPINO

Est. 2024 ACNSTHS SaMaFil
AnSci SaMaFil | [email protected]